Wednesday, July 06, 2005

Basketball game with the SPL team...

Isa na naman sa araw na hindi ko malilimutan, bago ako naisipang isali ni Lolo(Dennis Coloma) sa kanilang basketball team sa SPL, ako ay nasa Greenhills Shopping Center, naglilibot, naghahanap ng tindahan ng cellphone para ipa-trade in ang cellphone ng aking kapatid, sa hindi inaasahang pagkakataon, 5500 pesos lang ang presyo nila sa isang Nokia 3650 na cellphone, so hindi ko na muna siya pina-trade in, habang naglalakad ako sa kahabaan ng Greenhills Shopping Center, nakita ko ang CS-Central, isang tindahan ng mga Anime Series, sa hindi inaasahang pagkakataon, napabili ako ng isang Anime, Buzzer Beater yung binili ko, at sa hindi inaasahang pagkakatao na naman, naubos na pala ang pera ko, kaya ayun nilakad ko mula Greenhills Shopping Center hanggang SM Megamall para makapagalaro ng Initial D. Pagkatapos maglaro ng Initial D, saka nag text si lolo(Dennis Coloma) na isasali nya daw ako sa team nila sa SPL, ayun kaya umuwi ako ng bahay, nagdala ng jersey na panlaro, at nakipag-kita kay lolo(Dennis Coloma) sa my Rockwell, 6pm ang meeting time namin, dumating cia sa rockwell 7:15 pm na(ang aga noh?!).

Pagkatapos nun, pumunta na kami sa Guadalupe para maglaro na ng basketball, hindi ako officially part ng bastketball team ng SPL pero dahil kulang sila nung gabing iyon, sinali na nila ako sa line-up kahit hindi ako taga-SPL. ang kalaban namin noong gabing iyon ay ang company na kung tawagin nila ay SAFEWAY, na may player na ubod ng yabang, mayabang lang naman bwahehehe...

At ayun nga, nagsimula na ang laban at natapos sa score na 86-46 siyempre kami yung 46 in short natalo kami sa SAFEWAY. Pero ayos lang, pwede pa naman bumawi sa susunod eh...

kaya nga pala hindi ko to makakalimutan dahil as of today, im am now part of the SPL basketball Team.. bwahehehe... magpapagawa na nga din ako ng uniform eh... astig talaga... biruin mo yun..

Nga pala sa game na ito, I scored 20 pts. ewan ko swerte lang siguro...

Astig talaga, Player na ko ng SPL...

Wahooooo....

1 comment:

diana said...

akalain mo nga naman ang pagkakataon ano ha? astig ka tsong. salamat nga pala sa comment sa blog ko. nakakalakas kau ng loob. salamat tol. :)