Monday, February 09, 2009

Sermon

puro seryoso na ba nakikita nyo sa blog ko? eto mas seryoso pa.

Hindi talagal kita maintindihan, kupal ka talaga. Alam mo na nga na malabo, sige ka parin! yan ang hirap sayo eh, nasanay ka kasi! sinanay mo ang sarili mo na magmukhang tanga, ever since high school ganyan ka na! naalala mo ba yun? halos isang taon yun tapos ano nangyari? sinulot din sau! right after valentines day pa! tae ka kasi eh, tapos ayan dumating ang college, 2nd year college ka nun, nagkaroon ka ng magandang relationship although malayo naging maayos naman dba. Pero anong ginawa mo? nagpakabaliw ka sa isang babae na wala din nangyari at pinagpalit mo siya dun sa isa! anong klase kang nilalang? mahal na mahal ka nung isa pero pinili mo pa yung isa na wala ngang nangyari? Pagawa-gawa ka pa ng Flash presentation, sablay naman! haaaaay ewan ko ba sayo, ngayon may anak na siya at masaya na sa kanyang pamilya, ikaw? wala!

Tapos eto pa college din yun e, kung di ka ba naman isang libo't isang tanga! 2 taon??? kinaya mo yun? pucha pare kung ako yun naku, tag tuyo't na ko nun pre, pero ikaw sige ka parin. Nagbunga nga yung 2 taon na yun pero magulong 1 taon naman dba? Matagal ko nang sinasabi sau yun e, tigilan mo na yun, magulo talaga mundo nun tapos makikigulo ka pa, ayan tuloy mas naging magulo yung sayo.

Tapos eto ka ngayon, maghihintay? kaya mo? sigurado ka? eh pano kung wala ulit? Paano kung kahit anong gawin mo na paghihintay eh at the end of the day talo ka parin? ano gagawin mo? OO alam ko ang idadahilan mo lang sakin ganto, "kung yung mga dati nga kinaya ko ngayon pa kaya?" eh pucha mahirap na sitwasyon na to brad e, wala ka na naman kasiguraduhan dito, ang tindi ng kalaban mo eh, hindi kumikilos pero ang tindi ng impact sa buhay nya. Eh ikaw? ano ka ba sa kanya?

Pag-isipan mo ng matindi yan pre, tandaan mo hindi ka bumabata! tumatanda ka! although bata ka pa naman e, mukha ka ngang 17 years old sabi nila. Pero kahit na! Alam ko na hindi dapat minamadali yan, pero hindi ka rin dapat magtagal dyan lalo na kung marami pang mga umaaligid sayo na mas pwede pa dyan! Ang cute mo pa naman (Blog ko to walang pakialaman. hehehe).

Pag-isipan mo mabuti pare, kailangan ng matindi konsentrasyon at aura power para mapagtagumpayan mo ito. Goodluck!

Saturday, February 07, 2009

Masaya?

Ako’y malungkot nanaman
Amoy chico na ako
Ilang tagay na hindi pa rin tulog
Tanong ko lang sa langit
Kung bakit pumangit

Nung dating masaya
Ngayo’y panay problemang
bumabalot sa buto
Bakit ganito

Ang pag-ibig
Ganyan talaga
Pagbago pa ang pag-ibig
Ganyan talaga
Masaya

Ang pag-ibig
Ganyan talaga
Ako'y nilamon ng pag-ibig
Ganyan talaga
Masaya