Friday, October 31, 2008

Ako na yata ang pinakamadaling kausap na tao sa balat ng lupa at telebisyon.

Kaya ako nabubudol eh.

hehehe.


haaaaayyyyy

Tuesday, October 21, 2008

Bakit ba ganto

Bakit ba ganyan,
Ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan
Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan
Ang iyong katangian
Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta.

Ewan ko, bakit ba ganyan
Damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala.

Bakit ba ganyan,
Kung minsan ay nauutal sa kaba
Kapag ika'y kausap na
Ngunit lumalakas ang loob kung ikaw ay nakatawa.

Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala (oh)

Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala.

Monday, October 06, 2008

Thursday October 2, 2008 8:00pm

Habang ako'y nakaupo dito
Hindi mapakali ang sarili ko
Natataranta kung ano ang gagawin
Maghihintay ba o aalis na lang din

Sa bawat tunog ng mga lakad ako'y nag-aabang
Nakikiramdam kung ang yapak mo na ang bubungad
Nagbabakasaling hinihintay mo din ako
Ayoko mag-feeling pero wala eh, yun ang nasa isip ko

Ngunit alam kong malabong mangyari ito
Wala na lang ibang gagawin kundi ang maghintay sayo
Umaasa na balang araw ay mapapansin mo
Ang puso kung ito na nagmamahal sayo

-wasak este wakas-
Aman