Thursday, March 17, 2011

Hello!

Let's try to post again from time to time! ^__^

Tuesday, January 26, 2010

Edit New Year POST

baka, mabasa pa ng iba e..

LoLs ^___^

Happy NEW YEar Ulit! ^__^

Thursday, November 19, 2009

Mabuhay ka Bob Ong!

Wag ka masyado mag expect. Wala kayong commitment. Pwede ka magselos, pwede ka magtampo pero hindi ka pwedeng magalit. Pwedeng makipag-date sa iba pero wag na magpapaalam. Pwede mo siyang lambingin, pwedeng yakapin at pag nalaman mong may bf/gf na siya, pwede ka umiyak. Pwede ka masaktan pero hindi mo siya pwedeng sumbatan. Dahil wala kang karapatan. Dahil ang M.U. ay isang "MAGULONG USAPAN".

Tuesday, October 06, 2009

Taragis!

Disclaimer:
Bago nyo husgahan ang post ko, pasensya pero ito ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang ilabas kasi sobrang napupuwing na ko dito, ang daming alikabok sa paligid! at saka, blog ko naman to kaya wala sanang pakialaman kung ano man ang nakalagay dito!



Hindi ko lubos na maintindihan! bakit nangyari pa sakin yun! actually, ok na ko sa sitwasyon before nya gawin yung desisyon nya na yun e. Kaya na e! Feeling ko nga naka-moved on n ko nun e at makakagraduate na sana ko sa paglumo, pagkalungkot at sa pagka-lecheng emotep na yan eh!

bigla naman nag-iba ihip ng hangin, nagulat pa nga ako bakit nagkaganun bigla e, hindi inasahan, masaya sana e, ang akala ko naman sincere yung nangyayari, potakte, mukhang hindi eh. Tapos ngayon, ngayon! kainis talaga!

Parang ganto e, ginawa nya yun sakin kasi hindi pa siya sigurado dun sa isa kung magiging stable ang lahat e, so ang nangyari isa akong Proof of Concept! ngayon siguro napansin nya na stable na, wala na yatang alis alis, bgla siyang bibitaw at pupunta naman dun sa iniwan nya na hindi siya sigurado dati!

Leche! parang kong stuffed toy na pinagsawaan na! para kong pagkain, pagkatapos malasahan at hindi nagustuhan iluluwa na lang bigla, para kong perishable goods na pag nabulok itatapon na, para akong isang video game na pagkatapos mong laruin at wala ng ibang in-game content, iiwan mo na lang sa tabi!

Nakakainis, pero yun ang nangyari e, ginawa akong testing ground na pag may nakitang spark, go na! pag wala, punta dun sa fallback!

Ang sakit noh?! biruin mo, pumayag ako sa ganun, bulag e!

Nagawa ko yun! Tanga nga e!

Taragis Talaga!

Wednesday, July 29, 2009

See you when I see you Dave!

Hindi ko alam kung manhid na talaga ako or magaling lang ako magpanggap sa harapan nya, biruin mo yun, kinaya ko maipakita ang isang masayahing Dave Vincent F. Repuela sa kanya kagabi, na parang walang nangyari!

There's no dull moment that night, hanggang umalis ako sa bahay nila ng 4:00am, batak na batak ang ngiti ko, tawa kami ng tawa na parang normal lang. Although there are moments na hindi ko maiwasang mabad3p dahil sa mga nakikita ko sa paligid at sa mga pinag-uusapan nila, overall naging masaya yung gabing yun.

ganto ba talaga ko? payasong payaso ang dating eh!

Tuesday, July 07, 2009

Haaaaay

Basta talaga pagdating sa mga ganitong sitwasyon! Ako ang dehado!



waaaaaaaaaaaaaaaaaaah



Lugi talaga ko eh! :((

Monday, July 06, 2009

Alam mo ba?

Naramdaman ko nung sabado yung nararamdaman mo nung pumunta ka sa bahay namin noong November 18, 2006. Umiiyak ka pa nga nun e. At oo, masakit nga.

Leche! dapat di na talaga ko pumunta eh! nagdadalawang isip na ko e, na-miss lang kita kaya tumuloy parin ako. Yun ang totoo, ang tanga ko! leche!