Wednesday, December 28, 2005

...

GUSTO KONG MAINIS PERO DI KO MAGAWA
GUSTO KONG MAINIS PERO DI KO MAGAWA
GUSTO KONG MAGWALA PERO DI KO MAGAWA

BAKIT KAYA GANUN?
DI KO DIN ALAM EH!
ACTUALLY WALA TALAGA KONG KAALAM-ALAM!!!

YUN LANG...
----------------------------------------------------------

PARA MAY MAGAWA TAYO PAKI TAGALOG NA LANG TO!

"I TOLD YOU NOT TO GO, YOU GO, LOOK AT!"

BWAHEHEHEHE....

X-mas Gifts

Sobrang astig ung mga natanggap ko ngaung pasko. eto po sila

SONY PSP w/ 1GB memory stick
DELL OPTIPLEX Desktop(almost kinda barebone)

Belated Merry X-mas to all!!!
Ngaun lang me naka-online kaya ngaun lang me nag post...

Saturday, December 17, 2005

Pagod na ko...

yoko na, pagod na ko
gusto ko nang umalis sa mundong ito
upang kalimutan ang lahat
walang aalalahanin kundi ang sarili ko

magpapakalunod sa alak hanggang mag-umaga
nakasanayan na kasi dahil sa aking killer insomia
kinabukasan ganun na naman ang mangyayari
paulit-ulit lang, bwisit, tensionado kasi.

oh diyos ko, ano ba naman ito
dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko
ilang awit pa ba ang aawitin o giliw ko
hindi ba't Eraserheads lahat ang kumanta nito?

pagod na ko, gusto ko nang magpahinga
tama na ang kalokohang muntik nang lamunin ang aking katawan mula ulo hanggang paa
kung totoo ang himala, sana magparamdam ka
nais kong magbago ang lahat ibalik ang nakaraan upang maitama ang dapat na dati pa ginawa

pagod na ko, ayoko na
makikinig na lang sa tugtog ng parokya
hawak ang aking gitara, sasabayan ang musika nila
hanggang sa makatulog at tuluyan ng mangulila
-wakas-
by:Dave Vincent Fabicon Repuela

Friday, December 16, 2005

Misa De Galyo(1 down 8 to go)

Sinimulan ko ang Misa De Galyo ngaung araw sa pamamagitan ng hindi pagtulog dahil sa aking killer Insomia inabot ako ng 3am na gising, sapagkat ang Misa de Galyo ay nagisismula ng 4am, napagdesisyunan ko na, na hindi matulog at ituloy na ang pagiging gising hanggang 5am.

kasama ko ang aking kapatid na nagsimba ngaung araw. balak namin ulit na kumpletuhin ang simbang gabi. sana lang eh, makumpleto namin..

hanggang dito na lng muna, wala pa ko tulog eh..

Tuesday, December 13, 2005

Salamat sa mga pumunta...

Nais ko magpasalamat sa mga taong pumunta noong bday/graduation party namin ni Glenn Neil Eisma.

Mark
Barok
Ayie
Topeng
Lolo Dennis
Chino
Telel
Marylynne
MJ
Henry
Glenn

Salamat sa inyo naging masaya ang celebration namin, kahit na 1:00 am na tau dumatin sa laguna, masaya parin... sa uulitin mga chong!

Friday, December 09, 2005

21 years old na ko mga ka-kosa!

Happy birthday to me!
Happy birthday to me!
Happy birthday, Happy birthday
Happy birthday to me!

Happy Birthday! sakin at sa mga kasabay ko!

May we have many more birthdays to come!

Sana maging happy ang buong araw na darating!
Sana nga....

Tuesday, December 06, 2005

Alive and Awake

I'm still here at the computer shop! Playing of course! DOTA!!!! hehehehe.... hanggang umaga na ko dito... hindi halatang adik noh?! bwahehehehhe

Sunday, December 04, 2005

NU ROCK AWARDS 2005 Pics

Just like I've said in my previous post about the NU Rock Awards 2005, I've had a backstage pass at the Rock Awards. So I've got a chance to take some pictures of the artist and the celebereties at the backstage. So here's some pics of the awards night..

Jet Pangan and the others


NU DJ's with Karel Asia and the Dawn's Jet Pangan(part1)


NU DJ's with Karel Asia and the Dawn's Jet Pangan(part2)


Asia with a girl


Karel and Asia


*camera used: Nokia 6220 camera
*pagpasenyahan nyo na, wala ko dala digicam eh, kaya cellphone na lng



5 Days to go!

Friday will be the very special day of my Life! My 21st bday!!!!
Regalo ko ah... ihanda nyo na.. wakekekeke...

Saturday, December 03, 2005

NU Rock Awards 2005

Unang beses ko nanood ng NU Rock Awards, Naging isang kaganapan na hindi ko pa makakalimutan... Ako po ay naging sabit lang sa aking klasmeyt nung High School kaya ako nakapanood ng NU Rock Awards ngaun. Hindi ko naman inakala na mayroon siyang Press ID kaya kaming dalawa ay may Backstage Passes!!!!

At sa Backstage! ASTIG! andun si Jet Pangan, Chito, Buwi, Dindin, Yael ng spongecola, Hannah ng Session Road, Ria ng Paramita, Aia ng Imago, Raymond Marasingan at marami pang iba na banda!!!!

Nakatabi ko din si Pheomela Baranda na isang bangag! Lasing na nga, Naka-droga pa yata, kaya hindi ko na cia kinausap kasi baka kung ano pa gawin sakin... hehehehehe...

Nakatabi ko din si Karel Marquez at si Asia Agaoili.

Sa kabuuan, naging masaya ang NU Rock Awards, lalo na ang performance ng Kamikaze at ng Radioactive Sago Project!!!

Talagang NU ROCKS!!

Friday, December 02, 2005

7 days to go...

7 days to go, before my birthday!!!
Sana maging masaya birthday ko ngaun!!!