Saturday, December 17, 2005

Pagod na ko...

yoko na, pagod na ko
gusto ko nang umalis sa mundong ito
upang kalimutan ang lahat
walang aalalahanin kundi ang sarili ko

magpapakalunod sa alak hanggang mag-umaga
nakasanayan na kasi dahil sa aking killer insomia
kinabukasan ganun na naman ang mangyayari
paulit-ulit lang, bwisit, tensionado kasi.

oh diyos ko, ano ba naman ito
dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko
ilang awit pa ba ang aawitin o giliw ko
hindi ba't Eraserheads lahat ang kumanta nito?

pagod na ko, gusto ko nang magpahinga
tama na ang kalokohang muntik nang lamunin ang aking katawan mula ulo hanggang paa
kung totoo ang himala, sana magparamdam ka
nais kong magbago ang lahat ibalik ang nakaraan upang maitama ang dapat na dati pa ginawa

pagod na ko, ayoko na
makikinig na lang sa tugtog ng parokya
hawak ang aking gitara, sasabayan ang musika nila
hanggang sa makatulog at tuluyan ng mangulila
-wakas-
by:Dave Vincent Fabicon Repuela

7 comments:

BarOks said...

bumalik ka na sa Skull Island!

Topeng said...

sad to say....

a clown's life is meant only to show a facade of happiness while all the time leadin the life of complexities.

need not ask how i know.

Tim Dunken said...

inuman na lang ulit! hohohohoho! sagot ni barok! woohoo!!!!

BarOks said...

topeng paki tagalog nga yan! as if maiintndhan ni dabe yan! wakokoko...

inuman kila lolo! sagot din ni lolo! wakokoko..

diana said...

i agree with topeng. lam mo men, kung pagod ka, pano pa kayang tawag sakin????

Topeng said...

hoy barok nasan na yung sagot mo!!!

BarOks said...

pa despidida ka muna.. wakokoko..