Wednesday, July 20, 2005

Wednesday Malas

Ngayong araw, nagparamdam sakin si kamalasan.. sobrang malas ako ngayong araw na ito, hindi ko maintindihan kung bakit pero kahit saan ako magpunta kanina ayaw ako tantanan ng kamalasan.

Nagsimula ang lahat ng naghiwalay kami ni Dennis a.k.a Lolo, bumaba ako ng glorietta at si Dennis ay tumuloy na sa SPL, bumaba ako ng glorietta sa kadahilanang kukunin ko ang aking Laftaf kay telel dahil kailagan kong ipasa ang aking Portfolio kay dino para makapag-simula na ako sa aking OJT, ng tinext ko si telel at pagka-message sent biglang namatay ang aking cellfone, walang pera at walang cellfone, hindi ko alam kung pano ko kokontakin si telel para sabihin sa kanya na nandun na ako...

Dala ng sobrag gutom, dahil tanghali na iyon, hindi ako makapag-isip ng gagawin, ang naisip ko lang ay hintayin si telel na lumabas ng office, hindi na kasi ako pede umalis kasi 50 pesos na lng pera ko nun. kaya naisipan kong maglakad-lakad muna along Pasay Road, pagkalipas ng isang oras at dalawang beses na pag-ikot sa kahabaan ng Pasay Road, walang Cherry Lou Macaroyo na lumabas sa office, naisipan kong pumasok sa office nila at ipatawag siya sa guard subalit mali ang pinag-tanungan ko at hindi niya kilala si Cherry Lou...

Dahil wala nang choice, naisipan ko na lang umuwi at maghintay kung anong desisyon ni telel. habang pauwi bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong dalang payong at kung ano mang pantakip kaya ayun basang basa na naman ako sa ulan...

Nang makauwi, salamat sa Bulagaan at napawi kahit papaano ang aking ka-badtripan. pagkatapos nun ay tumawag na si Cherry Lou sa akin upang pag-usapan kung pano kami magkikita para makuha ko na yung laftaf...

Makalipas ang mahabang pag-uusap, naisipan namin magkita sa shaw blvd.

Umalis ako sa bahay ng 8:30 pm, paglabas ko ng bahay, bigla na namang lumakas ang ulan, wala nang paraan para makabalik pa ng bahay kaya lumusob na naman ako sa ulan, dala ang 20 pesos na pamasahe. walang katiyakan kung magkikita kami ni telel, tumuloy ako sa shaw, basang basa mukhang yagit, asar na asar.

mabuti na lang at dumating sila telel at chino at nakuha ko ung laftaf..

pag-uwi ng bahay...

WALA PALA SA LAPTOP NA ITO UNG MGA WEBSITES AT YUNG IBANG MGA PROJECTS NA GINAWA KO.. WAAAAAH KAINIS!!!

WALA AKONG NAIPASANG PORTFOLIO KAY DINO!!!

MALAS!!!!

mabuti na lang at pwede pa ako magpasa bukas, pero tingin ko medyo malabo na ko makuha.. na-bilib na yata sila kay lynus eh..

nagpakahirap ako buong araw para makuha yung laptop tapos wala pala doon ung mga projects ko! ASAR!

at dyan nagtatapos ang araw ng aking kamalasan...

sana bukas swerte naman...

No comments: