Monday, July 04, 2005

Gudluck Bro...

This coming thursday will be a big day for my brother... he will be entering the badminton tryouts at Mapua...
actually, aksidente lang ang pagkakasali ng aking mabait na kapatid sa tryout na ito...

Nakatambay lang sa siya sa gym, pinapanood ang practice ng mga varsity ng Badminton, ng Hinamon siya ng isang varsity na maglaro sila, sa kasamaang palad, natalo ng aking kapatid ang varsity na humamon sa kanya. Hindi pa na-kuntento, tinawag ng natalong varsity ang kanyang mga kapwa varsity at isa-isang kinalaban ang aking kapatid, sa kasamaang palad ulit. natalo pa niya ang dalawa sa tatlong varsity ng badminton na tinawag nung unang natalong varsity ng aking kapatid... all in all 3 varsity ng badminton ang kanyang tinalo.. kaya ayun sinabihan siya na mag-try out sa badminton at yun na nga ang gagawin nya...

Hindi ko akalain, na ganun na kagaling ang aking kapatid, ako lang naman ang kalaban nyan lagi sa badminton at lagi naman akong talo. aminado naman ako na hindi ako magaling mag-badminton eh...

masasabi ko lang, gudluck Tol! makakapasok ka nyan sigurado, pinakitaan mo na sila eh!

Badminton God ka na! bwahehehehe....

2 comments:

Topeng said...

sama ka na kasi sa badminton events namin... bili ka na rin ng raketa mo.. or gamitin mo yung raketa ng kapatid mo dahil may basbas na nya yun at baka sakali na makuha mo... hehhehe

Dave Vincent said...

hindi din, hindi na talaga ko marunong mag badminton eh, almost 8 years na ko hindi naglalaro... kaya wala na talaga ko pag-asa, basketball na lang pwede pa..