Monday, July 04, 2005

Repuela Reunion

For the first time in the history of my life... nakita ko na nag sama-sama ang angkan ng mga Repuela kahapon sa aming munting tahanan sa bulacan...

Mga pinsan ko at mga kapatid ng aking tatay ay nakita ko na din, ung iba kasi hindi ko pa nakikita eh kaya ung iba eh new faces pa lang sakin..

Marami akong nalaman tungkol sa kanila, unang una na, ang aking lolo na si Mr. Alexis Repuela (hindi siya si Shaider), ay almost 70 years old na, pero halos ng bumisita sa amin ay nagsasabi na mukha pang mas-matanda ang tatay ko kaysa sa lolo ko.. mukhang 40 years old pa lang daw ang aking lolo.. ang tindi noh!

Pangalawang nalaman ko tungkol sa aking lolo, naku mabibigla kau.. ang aking lolo na si Mr. Alexis Repuela ay naku, 3 ang naging asawa, Pabling pala lolo ko noon... Kaya pala kalat ang angkan namin, meron repuela sa Quezon City, doon nakatira ung pangalawa nyang asawa.. Merong Repuela sa Cavite, doon naman sila nakatira ngaun, kasama ang kanyang pangatlong asawa... at Meron Repuela sa Las Piñas doon naman nakatira ang Original nyang asawa na nanay ng tatay ko, in-short ung totoo kong lola sa Pangkat ng mga Repuela...

Isa pang nalaman ko tungkol sa angkan namin ay, ang mga tunay na Repuela(ung mga anak sa unang asawa ng aking lolo, in short mga kapatid ng tatay ko) lahat sila ay nasa Las Piñas, ung lola ko na nakatira sa isang subdivision sa tapat ng SM Southmall, Tito Junjun ko, na bunsong kapatid ng tatay ko ay sa Camella Village nakatira, at ang Tita Sandra ko na ubod ng ganda ay sa SM Southmall nagtratrabaho.. ibig sabihin lang nun, kami lang ang napunta sa Bulacan, silang lahat ng iba pang mga Repuela ay nandun sa way down south...

Ang saya ng mga kaganapan noong linggong iyon, biruin mo ba naman, nakilala ko na lahat ng angkan namin sa pangkat ng mga Repuela, first time un, kasi sa pangkat ng mga Fabicon ako lumaki...

Sana maulit ung Reunion na tulad nito..
Astig ung lolo ko Pabling... bwahehehehe...

3 comments:

Anonymous said...

bakit di mo na mana?

Dave Vincent said...

ewan ko ba, hindi ko din alam eh.. bwahehehehe

ariel said...

parts anggaling nang reunion sana makasama rin
ako para kompleto di ba ang repuela relyives hehehe?/ regards la ng ako diyan sa relatives ko pa
oaki sabi na mahal ko sila .Masaya ako na naging relatives kita
pa add nalang ariel_repuela143@yahoo.com sa lahat ng EMAIL sa FB,FRIENDSTER YAHOO MAIL