Sunday, July 24, 2005

Pagod, Ngunit walang antok

Hay, Pagod na pagod ako ngayon, kagagaling ko lang sa bahay nila cossete, kami ay nag-overnight sa kanila galing sa aming paglalaro ng badminton noong nakaraang biyernes ng gabi, almost 3 am na kasi ako nakatulog sa kanila dahil n naman sa aking killer insomia at my pinapanood din kami na palabas doon na hindi ko na din natapos dahil pagsapit ng 3 am ay dinalaw na ko ng aking antok.. pagkagising, tinawagan si pro para sabihin na pumunta sa bahay nila cossete, sa halip na pumunta ay nagyaya si Pro na mag-badminton ulit, kaya ayun after lunch, badminton na naman...

kaya ngaun pagod na pagod ako, ang layo pa kasi ng inuwian ko at ngaun wala na kong pera, nagka-utang pa.

Pero hindi lang naman tungkol sa kapaguran lahat ng nangyari sakin ngaun eh.

Sa wakas, my OJT na ko pwede na ako mag-simula sa lunes pero titingnan ko pa kung ok ung company, ang trabaho ko nga pala doon ay isang Web Designer at ang pangalan ng Company ay "New Media Gang" sa pagkaka-alam ko para siyang "iwebmasters" kaya lang, mga pinoy ang kliyente nila..

hanggang dito na lang muna, mag-iisip pa ako ng malalim eh...

No comments: