Sunday, June 19, 2005

Malufête de la Musique

ANG GANDA NI "KITCHIE NADAL" YOU ROCK GIRL!!!!



NAPAKASAYA, NAPAKA-TINDI, RAKRAKAN TALAGA!!!!



Kami po ay nag-punta sa Fete de la Musique, isang annual concert event, na pinapakita ang husay nating mga pinoy sa paglikha at pagtugtog ng musika... ginanap ito noong nakaraang sabado June 18, 2005. ang mga kasama ko sa gabing iyo ay sina: "Topeng(kasama ko cia since Friday pa, salamat pre sa pagdamay), Chino & Telel(kaso umuwi sila agad kaya hindi kami nagkita), Dino, Daniel(kapatid ni Dino), Pinsan ni Dino, Ian, at Kapatid ni Ian"...

Napakatindi, ang daming tao, at ang ganda talaga ni "KITCHIE NADAL" in person.. kami po ng aking kaibigan na si Dino Paolo Carino ay nakipag-siksikan hanggang sa makarating sa gitna ng "mosh pit" para masilayan lamang nag kagandahan ni "KITCHIE NADAL" talagang, "naku!!!" ubod at sobrang ganda nya, hindi ko makalimutang ang itsura nya nung gabing yun. hindi namin, ininda ang baho at pawis ng mga katabi naming "jologs" na kahit "Same Ground" na ang kinakanta nya eh, sige parin sa "Slaman" nakuyog nga kami ni Dino Paolo Carino sa gitna ng "mosh pit" dahil sa tindi ng "slaman" ng mga tao kahit mellow na ang kinakantan nya. pero aus lang lahat un, dahil nakita ko ng malapitan si "KITCHIE NADAL" at talagang, naku sobrang ganda nya nung gabing un... At nga pala, maganda din si "Barbie" nakita ko din cia ng malapitan dun eh, pero mas maganda parin si "KITCHIE NADAL"... walang tatalo sa kanya nung gabing un.. Tanda ko pa nga pati ung "3 songs" na kinanta ni "KITCHIE NADAL" eh. ang tatlong awitin na kinanta nya ay ang mga sumusunod(in correct order): "Fire(Favorito), Bulong, Same Ground". grabe talaga astig, hindi ako nagsisi sa pagpunta ko sa gitna ng "mosh pit" kasi nag-bunga naman eh... ang ganda mo talaga "KITCHIE NADAL"...



My isa pang matinding nangyari sa akin nung ako ay nandun sa nasabing concert event na yun.. grabe, naka-usap at nag-apir pa kami ng pareng "Mark Abaya" ng KJWAN. nangyari un, dahil nasa gilid ako ng rock stage, ng tumutugtog ang KJWAN, ng matapos silang tumugtog, aba eh dumaan ba naman sa harapan ko eh, ciempre kinausap ko na at sabi ko "Mark pare astig ka pre" sabay apir sa kanya, Hindi ko talaga makakalimutan ung gabing un. sila ang pinaka-astif na tumugtog nung araw na un(silang dalawa ng Greyhoundz). astig talaga sila... kaso napakaganda talaga ni "KITCHIE NADAL"...

Maraming mga tumugtog na banda dun, biruin mo ba naman, 150 bands ang naka-lineup nandun nga din ang "Cueshe" kaso hindi ko naabutan, ang mga naabutan ko lang na tumugtog ay ang mga sumusunod: "Hale(Grabe astig din toh!), Kjwan, Kapatid, Moonstar88, Sugarfree, Mayonnaise, Bridge, The Late Isabel, Kiko Machine, itchiworms, at ciempre ang pinaka hindi ko makakalimutan sa gabing un si "KITCHIE NADAL".

Hindi na namin hinintay tumugtog ang "Sponge Cola" dahil bukod sa pawis na inabot namin dahil sa pag-lusob namin sa "mosh pit" upang masilayan si "KITCHIE NADAL" ay may mga pansarili kaming problema na kailangan lutasin nung araw na un kaya aun, umalis kami dun ng mga bandang 3:00 am..

At Kahit hindi namin, inabutang tumugtog ang ibang band, makita lang si "KITCHIE NADAL" ay solve na ang gabi ko, naging masaya naman lahat-lahat ang mga nangyari nung gabing iyon kaya masasabi kong isang napakatinding gabi ang nangyari sakin nitong nakaraang sabado at linggo, isang matinding at isang rakrakan na araw na hinding hindi ko makakalimutan... "ang ganda talaga ni "KITCHIE NADAL".....


-part two post comming soon, my mga pics na un....
-hindi halatang adik ako kay
"KITCHIE NADAL".
-ang makaalam kung ilang kitchie nadal ang nakasulat sa post na ito, ay may premyong matatanggap mula sa akin.. wakekekeke...
-eto lang muna sa araw na ito...
-salamat kay topeng, sa pagkuha ng mga litrato...

9 comments:

Topeng said...

13 na kitchie nadal.. ipadala mo na lang ang premyo ko sa bahay namin

Topeng said...

14 pala.... hehehhe

Dave Vincent said...

sorry wrong answer.. di na pede sumali ung nakasagot na.. better luck next time.. bwahehehe...

Dave Vincent said...

hindi counted ung second answer mo, nakasagot ka na kanina eh.. bwahehehe...

diana said...

pinagpuyatan ko ito pero 13 lang ang nakita kong "KITCHIE NADAL" sa entry mo. =p

ha! si mark abaya ay ubod ng astig! rakrakan talaga! kita kita tau sa isang taon mga tsong!

Dave Vincent said...

bwahehehe, im so sorry, mali parin ang sagot mo... next contestant please?!

Anonymous said...

14, pano yan panalo ako

Dave Vincent said...

ang galing ah... tama 14 nga.. eh pano yan hindi kita kilala? pano ko ibibigay ung prize?

Anonymous said...

i-waym kita hehehe