Monday, June 20, 2005

F*ked Up... Maagang Fiesta ng San Juan..

ako ay naglalakad sa makati avenue patungo sa aking magandang eskwelahan, lumilipad ang isip, badtrip sa mundo, kaya naisipang lakarin mula sa bahay hanggang sa aking eskwelahan... nang biglang bumuhos ang malakas na ulan...

dahil wala ako sa sarili nung mga panahong iyon.. hindi kumilos ang aking katawan at nagpatuloy sa paglalakad, kahit bumubuhos ang malakas na ulan... baliw din ako paminsan-minsan eh... pagdating ko sa aking eskwelahan, ayun.. pinag-diwang ko mag-isa ng maaga ang fiesta ng San Juan, nagpakabasa ako sa ulan, ng hindi ko alam kung bakit... hindi talaga kumilos ang katawan ko nung mga panahong iyon, at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang makarating sa aking pinaroroonan...

minsan talaga hindi ko maintindihan ang sarili ko eh..

No comments: