Tuesday, August 16, 2005

Produkto ng Insomia

I made this poem right before i go to sleep, dahil sa aking killer Insomia nakabuo ako ng isang obra.. kayo na ang humusga

Panaginip

Sa aking muling pagharap sa aking kama
Labis akong natutuwa, dahil mahahagkan muli kita
Sa aking muling pagpasok sa mundo ng panaginip
Nadarama ko ang kasiyahang hindi ko lubos maisip

Sa aking panaginip isa kang masayahing diwata
Sa aking panaginip ikaw ang aking munting prinsesa
Dito kung saan ang lahat ay maganda
Sa aking panaginip lang ako lubos na masaya

Subalit panaginip lamang ang mga ito
Hindi dito ang tunay kong mundo
Walong oras lang ang kaya kong itagal dito
At pagkatapos nun, eto na naman ako, mag-isa sa aking kwarto

Simula na naman ng isang bagong umaga
Umagang walang kulay sapagkat wala ka
Labis akong nangungulila sa pag-ibig mo
kapag nandito ako sa tunay na mundo at wala sa panaginip ko

Nais kong magtugma ang aking buhay sa panaginip ko
Nais kong hagkan muli ang mga kamay mo
Gusto kong maging masaya na ang tunay na mundo ko
kapiling ka muli dito at hindi lamang sa panaginip ko
-wakas-

by: Dave Vincent Fabicon Repuela

No comments: