Inimbita ko sina Topeng, Barok, Dino, Ian at Glenn na pumunta sa aming bahay sa bulacan upang doon na muna matulog hanggang Black Saturday, kasi wala ako kasama simula nung Holy Monday sa kadahilanang umuwi ng Romblon ang buong angkan namin, maliban lang ako... wakokokokoko.
Eto ang mga nangyari
Maundy Thursday
6:00 pm - dumating kami sa bulacan, nagpahinga ng konti, nanood ng TV at nag-computer
8:00 pm - pumunta kami ni Dino ng Tungko upang maghagilap ng makakain pag balik sa bahay kumain na kami..
12:00 am - nagsimula ang aming Inuman Session
Good Friday
3:00 am - natapos ang aming Inuman Session, natulog na kaming lahat...
9:00 am - nagising ako at naabutan na naglalaro ng Freestyle sina Dino at Ian, Si topeng at Barok, Tulog pa ng mga oras na to.
11:00 am - sinundo ko si Glenn sa SM fairview at dumiretso na kami sa bahay sa
1:00 pm - lunch time.
4:00 pm - umuwi na sina Dino, Ian at Glenn
8:00 pm - Dinner at Jollibee Tungko
10:00 pm - 2nd Inuman session, kaya lang tatlo na lang kami (ako, barok, topeng)
Black Saturday
9:00 am - kagigising lang namin, may mga hang-over pa nga eh, ikaw ba naman dalawang sunod na inuman, panay Emperador pa tinira! wakokokokoko.. Nag suka nga si barok eh! wakokokoko
11:00 am - dumating si Glenn sa bahay galing sa Link2Support
1:00 pm - Umalis kami ng bahay (ako, barok, glenn, topeng) papuntang San Fernando Pampanga, particularly sa Perpetual Help Subdivision Mc. Arthur Hi-way San Fernando Pampanga. wakokokokokoko
3:00 pm - Dumating kami sa aming destinansyon, medyo natagalan kasi hinanap pa namin ung bahay, dapat kasi 1 hour and 30mins lang ang biyahe mula Bulacan hanggang San Fernando. Ayun pag dating namin sa aming destinasyon, na-chope na si Glenn... wakokokokokoko.. pero nagsasalita parin naman, paputol-putol lang wakokokokokoko...
4:30 pm - Sinamahan namin si Pro na bumili ng Modem sa SM City Pampanga, pero kaming 3 (ako, topeng, barok) ay nag-commute papuntang SM dahil may sasakay sa kotse ni Glenn...
7:00 pm - Natapos ang aming exploration sa SM Pamapanga. Nakabili ng Modem si Pro, nakakain kami sa Sizzling Plate, at naging masaya naman si Glenn kahit papano. Nang Nakauwi na si Pro kasama ang kanyang Magulang at kapatid. bumalik na kami pauwi ng bulacan.
9:00 pm - Dumating kami sa bulacan, magkakaroon pa dapat ng pangatlong inuman session kaso lang, nagbago isip ni glenn. Kaya binaba na nila ako sa Pecson at sila ay umuwi na sa kani-kanilang bahay... hay.. pagod!