Thursday, February 23, 2006

Welcoat Paintmasters sa PBA na!

Negosasyon ng Welcoat, Shell at PBA nasa final stage na

Nasa final stage na ang negosasyon para sa pormal na paglilipat ng prangkisa ng tumiwalag nang Shell sa Welcoat Paints.

"Katulad ng sinabi ni Commissioner Noli Eala on going na lahat ng negotiations namin with Shell," wika ni team owner Raymund Yu sa panayam ng Pilipino Star Ngayon kahapon. "We are on the final stages, and we’re looking forward of making it the PBA."

Pumayag na ang Welbest franchise na magbayad ng P7.5 milyon bilang equity at P6 milyon bilang franchise fee na kumakatawan sa 10 porsiyento sa franchise fee ng Shell.

Noong Nobyembre pa ng 2005 nagsimula ang pag-uusap ng Welcoat at Shell at inaasahang maisa-sara ito ngayong buwan.

"We will be given consession from our team to elevate three players from our PBL team na undrafted sa PBA. Aside from that we will have to complete our line-up by picking up free agents," ani Yu.

Ibinigay na rin sa Welbest franchise ang 10th at 11th pick para sa 2007 PBA Draft.

Unang sumubok ang Welcoat na makapasok sa PBA noong 1999 ngunit naunahan sila ng Red Bull na dati ring naglalaro sa PBL.

Ang tropa ng Welcoat sa PBL na Rain or Shine ay pinangungunahan ng mga ex-pros na sina Jojo Tangkay, Marvin Ortiguerra at Gilbert Malabanan.

"Definitely, coach Leo Austria will be our head coach, while Caloy Garcia will be one of his assistants," wika ni Yu kay Austria na siyang pinakahuling naging mentor ng Turbo Chargers

-Galing sa ABS-CBN Forum! ewan ko kung ano ginagawa neto dun!!-

No comments: