Monday, January 09, 2006

From Past to Present

January 1(New Years Eve) - My First new year in recent years na hindi ako lasing, kasi tinaguan ko ung mga tropa ko sa bulacan na nagyaya ng inuman, hanggang umaga daw. eh ginawa na namin un nung pasko na hanggang 6am kami nag-inuman, hindi ko kinaya kaya hindi ko na un uulitin, kaya tinaguan ko sila sa pamamagitan ng pagtulog agad pagsapit ng new year. wakokokoko....

January 2 - We watched Blue Moon @ glorietta with Aak,Sharlene(Mga Kapatid ko) and Steffanie(Pinsan ko)

January 3 - dapat pupunta kami ng Supermarket para mag grocery, pero na postponed, kaya umuwi na lang kami ng bulacan..

January 4 - Reformat my new and improved PC! hehehe..

January 5 - Naglaba ako ng Carpet

January 6 - May kinalaban kami na mga Dota Players, pustahan for P130, nanalo naman kami, panalo ako ng P40 kasi P40 lang pinusta ko.. hehehe..

January 7 -We had a basketball Game! vs Graceville(Inter-barangay), Kami naman po ay nanalo, pero habang kami ay naglalaro, nagka-initan sa loob ng court at nag-rambulan ang players namin laban sa Graceville(as in talagang suntukan!). Kinahapunan, tinxt ako ni Mark Basco na siya daw ay ppunta ng bulacan para pumunta sa Computer Shop ng classmate nya nung HS na ang pangalan ay Cherry. Malapit lang yung computer shop na pupuntahan nya kaya sinamahan ko na cia. Nung nagkita kami sa Jolibee sa Tungko(Lugar sa Bulacan), nalaman ko na ang pupuntahan pala namin na computer shop ay ang Computer shop ng aking HS barkada na si ARBY BANAAG! pagdating namin sa computer shop, nalaman ko na asawa pala ni Cherry si Arby! kita mo nga naman! kilala ko pala ung pupuntahan namin! hehehe... naglaro lang kami ng Dota nung gabing un, wala kaming inayos na PC. hehehe..

January 8 - Semi-Finals Game(inter-barangay) vs Dela Costa IV, at siyempre nanalo kami! were heading to the Inter-Barangay Finals! on january 15. at ang kalaban namin? ang kaisa-isang tumalo sa sa Inter-Barangay! ang Dela Costa III. Kinahapunan, dumiresto ako ng Taguig para maglaro ulit ng basketball(Inter-Condominuim), Sa kasamaang palad talo kami! record namin dito sa Inter Condo ay 0-2(kaasar!). After the game, I went straight to Greenbelt to attend the 6:00pm mass. after the mass, I was planning to watch Narnia but the tickets in G4 are sold out! kumain na lng ako sa food choices at saka umuwi. hay buhay!


-ano naman kaya ang mangyayari ngaung araw na to?! sana masaya! wakokoko..

Monday, January 02, 2006

Once In a Blue Moon

We watch Blue Moon today @Greenbelt with Aak(Little Brother), Sharlene(Little Sister) and Steffanie(Little Cousin) It was a great movie with a twist at the end! Jennylyn is so Beautiful in the movie! wow! you should watch it! astig!

Synopsis

In Boston, an elderly Filipina named Corazon writes a letter to every Manuel Pineda listed in the Philippine directory. The real Manuel is back in the Philippines, ailing and longing for a certain Corazon, Who is his long lost love. Manuel begins the daunting search with his son Rod and grandson Kyle, who discover that there were two Corazons in question: Corazon(Jennylyn Mercado)"Cora" whom Manuel married after World War II and became Rod's mother, and Corazon(Pauline Luna)"Azon" who was Manuel's first love first love way back in 1938.

Sunday, January 01, 2006

Happy New Year! (after 2 years)

Happy New Year to Everyone! Hope you had a wonderful year ahead!

Its been 2 years since my most unforgetable and memorable proposal of all time. and after 2 years?! hay... dont ask!

This reminds me of what i did way back in High School.. but it only took me 1 year. hay life!

And I'm trying to fix it now! sana maayos pa! Tiwala lang!

Wednesday, December 28, 2005

...

GUSTO KONG MAINIS PERO DI KO MAGAWA
GUSTO KONG MAINIS PERO DI KO MAGAWA
GUSTO KONG MAGWALA PERO DI KO MAGAWA

BAKIT KAYA GANUN?
DI KO DIN ALAM EH!
ACTUALLY WALA TALAGA KONG KAALAM-ALAM!!!

YUN LANG...
----------------------------------------------------------

PARA MAY MAGAWA TAYO PAKI TAGALOG NA LANG TO!

"I TOLD YOU NOT TO GO, YOU GO, LOOK AT!"

BWAHEHEHEHE....

X-mas Gifts

Sobrang astig ung mga natanggap ko ngaung pasko. eto po sila

SONY PSP w/ 1GB memory stick
DELL OPTIPLEX Desktop(almost kinda barebone)

Belated Merry X-mas to all!!!
Ngaun lang me naka-online kaya ngaun lang me nag post...

Saturday, December 17, 2005

Pagod na ko...

yoko na, pagod na ko
gusto ko nang umalis sa mundong ito
upang kalimutan ang lahat
walang aalalahanin kundi ang sarili ko

magpapakalunod sa alak hanggang mag-umaga
nakasanayan na kasi dahil sa aking killer insomia
kinabukasan ganun na naman ang mangyayari
paulit-ulit lang, bwisit, tensionado kasi.

oh diyos ko, ano ba naman ito
dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko
ilang awit pa ba ang aawitin o giliw ko
hindi ba't Eraserheads lahat ang kumanta nito?

pagod na ko, gusto ko nang magpahinga
tama na ang kalokohang muntik nang lamunin ang aking katawan mula ulo hanggang paa
kung totoo ang himala, sana magparamdam ka
nais kong magbago ang lahat ibalik ang nakaraan upang maitama ang dapat na dati pa ginawa

pagod na ko, ayoko na
makikinig na lang sa tugtog ng parokya
hawak ang aking gitara, sasabayan ang musika nila
hanggang sa makatulog at tuluyan ng mangulila
-wakas-
by:Dave Vincent Fabicon Repuela

Friday, December 16, 2005

Misa De Galyo(1 down 8 to go)

Sinimulan ko ang Misa De Galyo ngaung araw sa pamamagitan ng hindi pagtulog dahil sa aking killer Insomia inabot ako ng 3am na gising, sapagkat ang Misa de Galyo ay nagisismula ng 4am, napagdesisyunan ko na, na hindi matulog at ituloy na ang pagiging gising hanggang 5am.

kasama ko ang aking kapatid na nagsimba ngaung araw. balak namin ulit na kumpletuhin ang simbang gabi. sana lang eh, makumpleto namin..

hanggang dito na lng muna, wala pa ko tulog eh..