Thursday, November 20, 2008

Ang kwento ng aking Driver's License

First Attempt

Taong 2001, ako ay 16 years old nang subukan ko unang kumuha ng Student Permit. Pumunta ako sa LTO Novaliches Licensing Center para mag-apply doon. Ngunit ako ay nabigo dahil sa kadahilanang wala akong sulat galing sa aking mga magulang na nagpapahintulot na kumuha ako ng student permit. wala pa daw kasi akong 18 nun kaya hindi ako pinayagan ng Licensing Officer. haaaaaaay.

2nd Attempt

Taong 2007, nasa wastong gulang na ako kaya dumiretso na ako sa LTO Main office para mag-apply ng student permit. Sa wakas naman at nakakuha ako, pero bago ako mag-apply ng isang Non-professional License, kailangan ko munang maghintay ng 1 buwan...... Lumipas ang 1 buwan, tinamad ako pumunta ng LTO kaya ayun, wala parin. makalipas ang 5 buwan, nabudol ako, nakuha ang lahat ng gamit ko pati lisensya ko kaya ayun, back to zero.... haaaaaaaay.

3rd Attempt

Taong 2008, dahil nawala nga yung student permit ko noon dahil sa katangahan ko noon din. Nag-apply ulit ako ng Student Permit sa LTO Main office. after 2 hours, ayun nakuha ko naman, hintay ulit ng 1 month para maka-apply ng Non-Professional License.... haaaaaaaay.

Ngayon, Pumunta ako kaninang umaga sa LTO Main Office para mag-apply ng Non-Professional License. Pagdating ko dun, may lumapit sakin na isang lalaki. ginabayan nya ko sa proseso ng Drug test at medical test sabay sabi ng "bibigyan na kita ng test paper na may sagot, pag-aralan mo na lang. 1600 pare para hindi ka na mag-practical exam, diretso ka na agad sa pag-kuha ng lisensya mo".

Nagulat ako at nagtaka bakit 1600, pota fixer pala yun, ang tanga ko naman nag-abot ako ng 1500 (tinawaran ko ng 100 e. wakokoko). pagkaabot ko ng 1500, may kinita ako sa loob ng LTO, sinamahan ako hanggang sa written exam. Ayun, nang ako ay makapasa, binigyan nya ako ng 250 pesos (galing dun sa 1500 na binigay ko sa kanila) pambayad daw ng lisensya. Eh ang pota, nag-practical exam parin ako, pero nakapasa naman (madali lang pala ang owner eh. wakokokoko). Pagkatapos ng Practical Exam, nagbayad na ko ng 250 at makalipas ng 30mins....

Ayun, nakuha ko na ang aking Non-Professional License. medyo naloko ako, pero ok lang siguro, atleast meron kaysa wala.. wakokokokokokoko

Dahil dyan, madadala ko na yung sasakyan na 1 buwan ng nakatambay sa bahay.. wahahahahahaha

Thursday, November 13, 2008

Ang Pag-ibig ayon kay Bob Ong

MJ, pakopya ng entry mo sa multiply ah.. dito ko na lang sa blogger ko ilalagay para hindi naman ma-doble yung nasa multiply mo. Salamat ^__^

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka..

20. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

21. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

22. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

23. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

24. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."