Hindi sa wala akong ginagawa sa office ngayon, talagang gusto ko lang maglagay ng blog entry ngayon.. hehe, about what? hmmmmmm.. kahit ano, blog ko naman to dba. haha
I've discover the most convenient way para makapasok sa office ng makakatipid ako sa gas! and the solution is the North Luzon Expressway! takte, sinubukan ko nung isang araw doon dumaan, and to my surprise, pucha yung na-consume na gas ay parang pumunta lang ako ng Tandang Sora! hahahaha.. At yung travel time! 2hours lang! normally kasi 2 1/2 - 3 hours ang byahe ko mula bulacan hanggang makati kapag doon ako dadaan sa usual na daan ko which is, Commonwealth Ave - C5 - Kalayaan - Buendia. Ngayon, with my new route although nagkakaroo ng konting trapik sa Bonifacio Ave. sandali lang naman siya kaya mabilis parin. Simula ngayon doon na ako lagi dadaan. yahooooo! hehehe..
Kasal ng Tita ko (kapatid ni Daddy bukas) sa Taytay Rizal, 1st time kong aattend ng kasal sa father side ko, kasi hindi naman kami talagang close ng mga relatives ko sa father side. So excited ba ako? hindi e at eto pa, wrong timing ang tita ko, gusto nya kasi umutang ng 2k sa akin kasi daw kulang pa yung pambayad sa simbahan, kung maaga aga sana nya sinabi sakin na kailangan nya ng pera, edi sana naitabi ko yung para dun eh kaso nailaan ko na ang pera ko sa mga ilang bagay kaya ngayon, yung para sa akin na lang ang natitira (in short wala na kong pera). Baka sabihin na naman ni Daddy na pagdating sa kamag-anak nya ay nagdadamot ako, haaaaaay, eh wala na naman talaga akong pera. haaaaaay.
Oasis mode ako ngayon, binigyan ako ng officemate ko ng complete album ng Oasis, at ang masasabi ko lang , Astig parin tugtugan nila! IDOL! LSS ko Don't Go Away.. haaaaaaay.
Balak ko bilhin yung Ibanez RG321MH with Dimarzio (brand ng pickup) guitar ng tropa ko, worth 15k. Parang gusto ko lang magbalik loob sa pag-gigitara eh kaya ayun bibilin ko na.. hehe
Haaaaaaaay. magiging masaya kaya pasko ko? who knows, sana matupad yung wish ko kahit hindi ko kumpleto ang simbang gabi kasi na-mintis ko yung kaninang madaling araw. haaaaay.
Merry Christmas and Happy new year to all!
Baw!
Thursday, December 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment