Hindi mapakali ang sarili ko
Natataranta kung ano ang gagawin
Maghihintay ba o aalis na lang din
Sa bawat tunog ng mga lakad ako'y nag-aabang
Nakikiramdam kung ang yapak mo na ang bubungad
Nagbabakasaling hinihintay mo din ako
Ayoko mag-feeling pero wala eh, yun ang nasa isip ko
Ngunit alam kong malabong mangyari ito
Wala na lang ibang gagawin kundi ang maghintay sayo
Umaasa na balang araw ay mapapansin mo
Ang puso kung ito na nagmamahal sayo
-wasak este wakas-
Aman
3 comments:
wasak na wasak ang puso ni nasty mak!
pare, wasak talaga puso ni nasty mak! deads na yan eh...
yun lang... hehe. gud luck!
Post a Comment