Saturday, July 16, 2005

Isang hindi malilimutang gabi....

Biyernes ng gabi, ng kami ay nasa glorietta makati.. kami nila dino paolo carino, glenn neil eisma at dennis coloma naisipan namin ni dino paolo carino na sumabay pauwi sa sasakyan ng aming kaibigan na si glenn neil eisma, si glenn neil eisma ay papunta sa United Nations ave. para sunduin ang kanyang kapatid, malapit na lang din kasi ang bahay namin ni dino paolo carino sa UN ave kaya naisipan na naming sumabay kay glenn neil eisma...

Nang bumaba kami sa sasakyan ng aming kaibigan na si glenn neil eisma, naisipan namin ni dino paolo carino, ayan na ang malate konting lakad na lang... kaya ayun, naglakad kami at pumunta ng malate at nag-pasyang gumimik ng kaming dalawa lang(ang tindi noh!).

Pagdating sa Malate, medyo naligaw pa kami dahil hindi namin makita ang Skins Bar na lagi naming tambayan ni dino paolo carino pag kami ay nasa malate. nag-paikot ikot muna kami kung saan saan, hanggang sa nakita ko ang kaisa-isa kong palatandaan na malapit na ang Skins, at yun ay ang Common Grounds. At sa wakas, nakita na namin ang Skins Bar at ayun umakyat kami sa pangalawang palapag ng bar at ayun na, sinimulan na ang kasiyahan...

Bagama't dalawa lang kami ni Dino paolo carino nung gabing iyon, masaya pa rin kaming nagkwentuhan at nag-inuman hanggang sa ciempre, mahina ako uminom ako ang unang tumumba sa aming dalawa...

dumating kami ng skins ng mga 10:30pm natapos kami ng inuman ng 11:30 or 12:00pm, hindi ako sigurado kasi, medyo lasing na ako nun...

Yung mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na alam, kasi talagang lunod na ang sarili ko sa alak at saka, Ang malakas na Tawa na lng ni Dino paolo carino ang naririnig ko..

Eto talaga ang gabing hinding-hindi ko malilimutan.. Ngayon lang namin ginawa pareho ito, na gumimik ng kaming dalawa lang, walang ibang kasama usapang matino, usapang pag-ibig at mga walang kwentang usapan at masisiyang kaganapan ang mga nangyari sa amin noong gabing iyon, talagang isang hindi malilimutang gabi...

4 comments:

Anonymous said...

walang nagagawang mabuti ang alak. hindi mo madadaan sa paglalasing ang gusto mo makuha. uminom ka para magpakasaya, hindi para ipakita sa iba ang gusto mo ipakita.

Dave Vincent said...

wala naman ako problema nung gabing iyon, tawa nga lang ako ng tawa nun kasi kakaiba talaga ung ginawa namin eh..

Topeng said...

marami talaga secret admirer si dave.. malakas appeal nyan e.

Dave Vincent said...

lagi naman my anonymous na nag-cocoment d2, pano ba ung mga blogger lang ung identity pede ba un?